Transcription

Senior High SchoolPagsulat sa Filipinosa Piling Larang(Akademik)Kuwarter 2- Modyul 8:Akademikong Sulatin:Pagsulat ng Panukalang Proyekto(Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)Filipino – Ikalabindalawang BaitangAlternative Delivery ModeKuwarter 2 -Modyul 8: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Panukalang ProyektoUnang Edisyon 2020Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.”Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto obrand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon.Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sapaggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklatat iba pa . Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangpagmamay-ari ng mga ito.Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon:Kalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Alain Del B. PascuaMga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaralManunulat:Teresa P. Mingo, PhDMga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDSMaria Dulce Cuerquiz, MTDolores A. TacbasSol P. Aceron,PhDLeonor C. ReyesMga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan RoaMs. Mary SierasMr. Allan GuiboneMrs. Alma Sheila AlorroMga TagapangasiwaTagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO IIIPanrehiyong DirektorPangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO VPumapangalawang Panrehiyong DirektorCherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO VTagapamanihalaRowena H. Paraon, PhDPumapangalawang TagapamanihalaMala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMDLorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief, Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-FilipinoBrenda P. Galarpe,SSP- 1 , Marisa D. Cayetuna,P-1Aniceta T. Batallones, MAFIL , Leonor C. Reyes,MAEDFILJoel D. Potane,PhD LRMS Manager , Lanie O. Signo, Librarian IIGemma Pajayon, PDO IIInilimbag sa Pilipinas ng:Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de OroOffice Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro TelephoneNos.: (08822)855-0048E-mail Address: [email protected] Miyembro:

Senior High SchoolPagsulat sa Filipinosa Piling Larang(Akademik)Kuwarter 2 - Modyul 8:Akademikong Sulatin:Pagsulat ng Panukalang ProyektoAng modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukadormula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namingang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mgapuna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected] sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.Kagawaran ng Edukasyon Republika ng PilipinasFAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposesonly. Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyrightholders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to thismodule.

Talaan ng NilalamanPara Saan Ang Modyul na Ito iAno Ang Inaasahan Mo iPaano Mo Matutunan .iMga Icon ng Modyul .iiAno Ang Nalalaman Mo. . IiiAralin 1: Pagsulat ng Panimula ng Panukalang ProyektoAlamin .1Subukin: Pagkilala sa Tama o Mali .1Balikan: Pagpapahayag Gamit Ang Piramiding Dayagram .2Tuklasin:Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto 2Suriin: Pagtukoy ng Pangangailangan sa Pamayananan . 3Pagyamanin : Nilalaman ng Panukalang Proyekto 4Isaisip: Pagbubuod .4Isagawa:Pagbuo ng Pahayag .4Tayahin : Pagpipili 5Karagdagang Gawain 5Aralin 2: Pagsulat ng Katawan ng Panukalang ProyektoAlamin .6Subukin: Pagkilala sa Layunin at Paraan .6Balikan:Paglalahad ng Layunin .6Tuklasin: Pagsulat sa Katawan ng Panukalang Proyekto 7Suriin:Pagbibigay-Desisyon .9Pagyamanin : Pagkilala sa Pangangailangan sa Pamayanan atBadyet Proposal 9Isaisip: Pagbubuod: .9Isagawa:Pananaliksik: 9Tayahin :Ayos Kronolohikal sa Panukalang Proyekto .10Karagdagang Gawain: Pagsulat ng Panukalang Proyekto .11Lagom .11Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) 12Susi sa Pagwawasto 13Mga Sanggunian .14

Para Saan ang Modyul Na ItoAng modyul na ito ay tungkol sa Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Panukalang Proyekto nainihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre sa ikalawang markahan ng ikalabindalawangbaitang. Ito a naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng sulating ito na lilinang sa mgakakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.Tatalakayin sa modyul na ito ang pagpapanukala ng solusyon para sa nararanasang suliranin at sapaglulunsad ng isang pagbabago. Hahasain ka sa pagsulat ng panukalang proyekto sa pamamagitan nangmaayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan atinteres ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan , napapanahon, kawili-wili,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip .Ang modyul na ito ay may dalawang aralin:Aralin 1 : Pagsulat ng Panimula ng Panukalang ProyektoAralin 2 : Pagsulat Katawan ng Panukalang ProyektoAno ang Inaasahan MoInaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS FA11/12PN-0a-c-902.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.CS FA11/12PU-0d-f-933.Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika .CS FA11/12WG-0p-r-93Paano Mo MatutunanUpang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod: Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa, pag-unawa at pagsusuri sa nilalamanng mga aralin.Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap.Manaliksik sa iba pang sanggunian sa loob-aklatan at websites ukol sa aralin upang maragdagan angkaalaman .Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma at tumpak nasagot.Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit .I

Mga Icon ng ModyulALAMINInihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang maunawaanng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.SUBUKINPanimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak ngkaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.BALIKANBinabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaraltungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy itoupang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.TUKLASINInilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng kwento,pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang paraan.Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng mahalagangkaisipan.SURIINInilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa pagkaunawang mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong pagtalakay sa paksa.PAGYAMANINMakapagsagawaang mga mag-aaral ng mga gawaingmagpapatotoo ng kanilang natutuhan.Magtitipon sila ngkanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan saaralin.ISAISIPPatutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at kaalamangkanyang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulit ,gawain atpagsasanay.ISAGAWAPagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng mgamag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa tunay nabuhay.TAYAHINTatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatutomula sa natamong kasanayan .KARAGDAGANGGAWAINMabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinangang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .SUSI SAPAGWAWASTOMga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mgaGawainii

Ano ang Nalalaman MoPanimulang PagtatayaPanuto: Bago pag-aralan ang modyul na ito, sagutin ang simpleng pagsubok na ito upang malaman kungano na ang mga nalalaman mo sa paksang ito. Nakatala sa ibaba ang limang pangunahing bahagi ngpanukalang proyekto.A — Pambungad/ Background/ Mga Dahilan ng PanukalaB — Pahayag ng Suliranin at Layunin ng PanukalaC — Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga GagawinD — Badyet Para sa ProyektoE — Kahalagahan ng PanukalaAng mga sumusunod na pangungusap ay maaaring nagpapaliwanag o nagbibigay ng halimbawa ngmga bahagi ng panukalang proyekto. Isulat sa sagutang papel ang titik ng mga bahaging isinasaad ngpangungusap.1. Kahalagahan ng proposal para sa mga mamamayan2. Pagsusuri sa pangangailangan at mga dahilan ng proposal3. Tinatayang gastusin4. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig.5. Pagsusuri ng proyekto6. Paghiling ng P100000 sa loob ng tatlong buwan7. Kailangang makabuo ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis nap ag-apawng tubig mula sa ilog.8. Mga hakbang na dapat sundin upang makamit ang mga layunin9. Pagpapasa ,pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw )10. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw )11. Ang sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nangagaling sa bundok.12. Pagsagawa ng bidding mula sa mga kontraktor13.Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan sa Barangay Bacao.14. Ipagawa ang breakwater o pader na magsisilbing proteksyon sa panahon ng tag-ulan.15. Gastusin sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito , Php20,000.00.iii

Aralin1Akademikong Sulatin:Pagsulat ng Panimula ngPanukalang ProyektoBaitang: 12Panahong Igugugol : Ikalimang LinggoMarkahan : IkalawaAlaminPagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS FA11/12PN-0a-c-902.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.CS FA11/12PU-0d-f-933.Nakasusulat ng panimula ng panukalang proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ngwika .CS FA11/12WG-0p-r-93SubukinPAGKILALA NG TAMA O MALI : Panuto:Suriin ang pahayag at sabihin ang TAMA kung ito ay maykatotohanan at MALI naman kung hindi naglalahad ng katotohanan.Isulat sa sagutang papel.1. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaingnaglalayong lumutas ng isang problema o suliranin .2. Sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtatalaglay ng apat namahahalagang bahagi .3.Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy ng layunin ,plano nadapat gawin at badyet.4. Ang paggawa ng panukalang proyekto ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan at magingsapat na pagsasanay.5.Makikita sa panimula ng panukalang proyekto ang maikling paglalarawan ng pamayanan ,angsuliraning nararanasan nito, at ang pangangailangan nito upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin.1

BalikanPAGPAPAHAYAG : GAMIT ANG PIRAMIDING DAYAGRAM:Sitwasyon:Anong pinakahuling proyekto sa iyong paaralan o pamayanan ang iyongnabalitaan o natandaan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Ibahagi oipahayag mo ang ilang mahahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa pamamagitan ngpagkompleto sa piramiding dayagram sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.Pangalan/Pamagat ngProyekto atNagpanukala o Nanguna saProyektoLugar kung saanisinagawa/ipinatupadatPetsa ng PagpapatupadTao o mga Taongnagpapatupad/nagsagawa ngproyektoat Pakinabang o magandangdulot ng proyektoTuklasinPagsulat ng Panukalang ProyektoAyon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective, isang samahangtumutulong sa mga non-governmental organizations (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalapng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isakomunidad o samahan. Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano nggawain ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ayon namankay Besim Nebiu,may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writnig , ang panukalang proyektoay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema osuliranin.Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya naman,masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat napagsasanay. Una sa lahat , ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin aymakatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangang nitong magbigay ngimpormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulatingito ang pagsesermon pagyayabang o panlilinlang ,sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin.Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang ProyektoAyon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal Planning andWriting,” sa pagsasagawa ng panukalang papel, ay kailangang magtalay ng talong mahahalagang bahagi atito ay ang sumusunod:1.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto,2.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto3.Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito.2

1.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o kompanyang paguukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Gawing tiyak ,napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto. Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala. Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taongmakatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan. Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging paksa ng araling ito.Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan. Batay dito, maaari mo nangmailahad ang layunin ng iyong proposal. Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito aymahalagang pangangailangan. Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat nanakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sapangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay.SuriinNarito ang halimbawa ng panukalang solusyon para sa suliranin ng isang barangay.Suliranin # 11. Paglaganap ng sakit na dengueMga bagay na kailangan:a.Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upangmaiwasan ang dengueb. Pagsagawa ng fumigation apat nab eses sa isang tao.Suliranin # 22. Kakulangan ng suplay ng tubigMga bagay na kakailanganin:a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig/b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay.Ano ang napansin mo sa ibinigay na halimbawa? Ang isang suliraning pampamayanan ay maaaringmay dalawa o higit pang solusyon.SAGUTIN: PAGTUKOY NG PANGANGAILANGAN SA PAMAYANAN: Ano-anong mga bagay angkailangang-kailangan ng iyong barangay o lungsod ? May mga suliranin ba ito na nangangailangan ngagarang lunas? Mag-isip ng dalawang suliraning kinakaharap ng iyong barangay o lungsod ngayon.1.2.Pansinin ang halimbawa : Sa Brgy. Pagkakaisa,ang dalawang suliraning nararanasan ng mgamamamayan ay ang sumusunod:1. Paglaganap ng sakit na dengue2. kakulangan ng suplay ng tubigMula sa nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang malutasang kanilang mga suliranin.Suliranin # 11.Ang mga bagay na kailangan:a.b.3

Suliranin # 22.Ang mga bagay na kailangan:a.b.PagyamaninPAGKILALA SA NILALAMAN NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO:Panuto: Matapos makilala ang mga pangangailangan, problema o suliranin, sumulat ka na ng Panimula saPanukalang Proyekto –Tinatawag ito ng sulatin na “Pagpapahayag ng Suliranin” Tunghayan anghalimbawang nakatala sa ibaba.Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite.Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika salugar na ito.Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbahatuwing panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasirang kanilang mga bahay ,kagamitan,at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay angpag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pagapaw ng tubig mula sa ilog . Kung ito ay maipatatayo , tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mgamamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat ,maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabing ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasanng mga mamamayan.Gawain: Kilalanin ang nilalaman ng panukalang proyekto sa ibinibigay ng halimbawa sa itaas . Isulat ito sasagutang papel.A.Maikling paglalarawan ng pamayanan:B.Suliraning naranasan nitoC.Pangangailangan upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin:D. Benepisyo o mga kabutihang dulotIsaisipPAGBUBUOD : Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa iyo sa araling ito.IsagawaPAGBUO NG PAHAYAG: Panuto: Muling isulat ang mga sumusunod na mga pahayag ngsuliranin. Pansining masalita, ang mga ito kaya hindi maliwanag ang nais iparating. Siguraduhing ang iyongpahayag ng suliranin ay maikli, malinaw at direkta ang punto.Isulat ito sa sagutang papel.1. Ako ay humihingi nang may-kababaang-loob sa pamahalaan, upang bigyang halaga ang panukalang ito,dahil mahalagang malaman na ang aming pamayanan ay nangangailangan ng istasyon ng pulis. Lubhangkailangan namin ng istasyon dahil walang lugar para sa amin upang ihain ang mga reklamo o kaya ay kungsaan maaaring gawin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa gawain ng pulisya.4

2. Kaming mga mamamayan ay lubhang nababahala sa mga krimeng nagaganap sa ating paligid at angaming pagkabahala ay lumalala dahil sa nitong mga nakaraang buwan, ilan sa mga magnanakaw na nahuliay inilalagak lamang buong gabi sa bulwagang pambayan na hindi ligtas na paglagyan ng mga kriminal. Saaming palagay, bilang mga mamamayan ay kailangan namin ng isang lugar kung saan mas siguradongnababantayan ang kulungan upang kami ay makatulog nang mahimbing at makasiguro na ang mga kriminalna iyon ay hindi makakatakas at makagawa pang muli ng mga krimen sa kanilang mga kapwa.3. Gusto ko lamang bigyang diin ang mga kondisyon ng mga pangunahing kalsada na talaga namangnapakasama. Sa katotohanan, ang mga kalsadang ito ay hindi na maituturing na mga kalsada dahil ang mgaito ay imposible nang madaanan ng mga sasakyan. Paano naming maihahatid ang mga bagay na dapatihatid sa kinauukulan kung napakasama ng kondisyon ng mga kalsadang ito kung saan ang biyahe aynapakahabang katulad ng dalawang balik. At hindi na kailangang sabihin na ang mga produktong dapat ihatiday mga delikadong produkto at hindi ligtas dahil kinakailangan pang magpalipat-lipat dahil nga sa kundisyonng mga daan, at lalo pa ang mga taong sumasakay lamang sa mga pampublikong sasakyan.TayahinPanuto :PAGPIPILI : Isipin mo na sa iyong barangay ay mayroon lamang iisang linya ngtelepono. Lagi itong abala /busy dahil sa dami ng mga taong gumagamit nito. Kung sa ganoon,kailangan pa ng isang linya upang mas maraming tao ang makagamit nito.Nakatala sa ibaba ang mga posibleng dahilan kung bakit kailangan ng aming barangay ang isa pang linyang telepono. Pumili ng dalawang pinakamagandang dahilan upang makumbinsi mo ang pamahalaangsuportahan ang pangangailangang ito. Isulat ito sa sagutang papel.Mas malaki ang kikitain ng kompanyang magkakabit ng telepono dahil mas maraming tao angmakagagamit nito.Magbibigay ito ng libangan sa kabataan dahil gusting-gusto nilang gumamit ng telepono.Mas mabilis na matatanggap ang mahalagang tawag dahil sa karagdagang linya ng telepono.Upang mabigyan ng trabaho ang mga electrician sa lugar – ang pagkakabit ng poste at mga kableng telepono.Mas maraming transaksiyong pangkalakalan ang magagawa sa telepono.Maraming mag-aaral ang gumagamit dahil sa Blended Learning ng Kagawaran ng Edukasyonbunga ng COVID-19 Pandemya.Karagdagang Gawain:PAGSULAT: Batay sa pangangailangang nakasaad sa unang bahagi ng pagsasanay (Suriinp. 3) pumili ng isa sa iyong mga sagot at gumawa ng isang epektibong pagpapahayag ng suliranin sabondpaper/sagutang papel5

Akademikong Sulatin:Pagsulat ng Katawan ngPanukalang ProyektoAralin2Baitang: 12Panahong Igugugol : Ikalimang LinggoMarkahan : IkalawaAlaminPagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS FA11/12PN-0a-c-902.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto.CS FA11/12PU-0d-f-933.Nakasusulat ng katawan ng panukalang proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ngwika .CS FA11/12WG-0p-r-93SubukinPAGKILALA SA LAYUNIN AT PARAAN NG PANUKALANG PROYEKTO:Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Piliin ang titik A- kung ang pangungusap ay para Layunin atB para sa paraan. Isulat ito sa sagutang papel.1. Mapalawig ang mga tubo mula sa pangunahing linya ng tubig2. Mabigyan ng lugar ang mga mamamayan kung saan maaaring idaos ang mga pagtitipon3. Paglalagay ng humps sa road intersections4. Mapabuti ang kaligtasan ng mamamayan sa gabi5. Mabigyan ang mga mamamayan ng karapatang malaman ang mga impormasyon at pangyayari6. Pag-aayos ng mga bahaging elektrikal sa mga poste ng ilaw7. Pagbibigay ng tuluy-tuloy na suplay ng tubig sa mga mamamayan8. Paggawa ng pundasyon ng bulwagang pambayan9. Pagbaba ng mga insidente ng aksidenteng may kinalaman sa pagmamaneho10. Paggawa ng mga sisidlan ng mga aklat para sa aklatang pambayan.BalikanPAGLALAHAD NG LAYUNIN :Panuto: Sa bawat suliraning nabanggit sa ibaba, magbigay ng isang pangangailangan atlayunin nito. Isulat ito sa sagutang papel. Pansining ang sagot sa unang bilang ay ibinibigay na sa inyo.1. Suliranin:Pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa ipinagbabawal na gamotPangangailangan: Palaruan ng basketbolLayunin:Nakapaglalaan ng isang palaruan kung saan maaaring gugulin ng kabataan ang kanilangoras nang maiwasan ang pagkagumon sa mga bawal na gamot.6

2.Suliranin: Paggamit ng Blended Learning Modalities sa pampublikong paaralan bunga ng COVID-19PandemiyaPangangailangan :Layunin:3. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mamamayang walang hanapbuhay sa kasalukuyan.Pangangailangan:Layunin:4. Suliranin: Maraming mamamayan ang nahahawaan ng COVID-19 na sakit.Pangangailangan:Layunin:TuklasinPagsulat ng katawan ng Panukalang ProyektoIto ay binubuo ng:1.Layunin -Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto. Ayonkina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) , ang layunin ay kailangang maging SIMPLE. Specific– bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto Immediate– tiyak na petsa kung kailan ito matatapos Measurable– may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto Practical- solusyon sa suliranin Logical- paraan kung paano makakamit ang proyekto Evaluable– nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.2.Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mgagawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama angmga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan at kailangangikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakatulong kung gagamit ng tsart o kalendaryo paramarkahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para sa Barangay Bacao saibaba.Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao1.Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw )2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa ngbreakwater o pader (2 linggo) Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kanikanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamitingplano para rito.3.Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ngbreakwater. (1 araw ) Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napilingkontraktor para sa kabatiran ng nakararami.4.Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3buwan)5.Pagpapasinaya at pababasbas ng breakwater ( 1 araw)7

3.Badyet – pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang talaan ngmga gastusin ( tulad materyales at sweldo sa manggagawa ,allowance sa magbabantay at iba pangkakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipidsa mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may panukalangbudget para sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na pagpipilian.Ibigayo ipagkatiwala ang proyekto sa kontraktor na magbibigay ng pinakamababang halaga ng badyet.Sa mgakaragdagang kagamitan o materyales ,mas makabubuti kung maghahanap muna ng murang bilihan paramakatipid din sa mga gastusin. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusintulad ng sweldo ng mga manggagawa ,.allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito.Mga dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa mga datos mulasa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na “ Paghahanda ng IsangSimpleng Proyekto “ ito ang halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater ng Brgy.Bacao.Mga GastusinI.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumeti ng napilingkontraktor (kasama na rito ang mga materyales at sweldo ng mgatrabahador )II.Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito.Kabuoang HalagaHalagaPhp3,200,000.00Php 20,000.00Php3,220,000.00Ano ang natutuhan mo sa paghahanda ng isang panukalang badyet? Sa palagay mo ba ay mahirapitong gawin? Hindi ito mahirap kung isasaisip mo ang mga sumusunod:1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang magtataguyod angmga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat na malinaw ang pagkakasaad.2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon ngmga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang madaling sumahin ito.3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga bagay nakailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang iyong panukala sakanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto. Maaarika ring manghingi ng kopya ng mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa mo.4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang nagtataguyod ng mgaproyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-dapatna pagtitiwala para sa iyo.Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nitoMahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sapagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata, mamamayan,kababaihan ,magsasaka,mahihirap napamilya,mga negosyante at iba pa.Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ngiyong panukala. Sa bahaging ito, ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan angipinasang panukalang proyekto .Tunghayan ang halimbawang nakasulat sa ibaba.Paano Mapakinabangan ng Barangay Bacao ang panukalang proyekto?Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ngmamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha aymasosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mgakagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.Higit sa lahat, magkakaroonna ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapawang tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong mga pader.Balangkas ng Panukalang Proyekto1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto3. Petsa- araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal gagawinang proyekto.8

4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay angpangangailangan,5. Layunin – dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala6. Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ngproyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.7. Badyet- kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto-

(Akademik) Kuwarter 2 - Modyul 8: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Panukalang Proyekto Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga